Kodak
Kodak Tula tungkol sa Isyung Panlipunan ni Alexandra Ranielle Gallego Isang araw ako ay pinagbawalan “Huwag na h’wag kang magpapagabi anak ang ating krimen sa bansa ay talamak Paglabas ng madilim huwag ibalak.” Isang araw, ako’y umalis ng tahanan Naglakbay, dala-dala ang aking kodak Ano bang nangyayari sa kadiliman? Pasensya na ina, ako ay nagbalak Sa kalsada puno ng katatakutan Pindot sa kodak, sa bawat tinatahak Maraming tambay at puno ang lansangan Sa kalsadang masalimuot nasadlak Paglalakad itinuloy sa kanluran Madilim na kalsada akin tinahak Ako’y nadukot, gusto ng kalayaan “Para ng awa” napalahaw sa sindak Ang patayan sa likod ng karimlan Hindi inakalang pakpak mawawasak Ngayong ako ay napunta sa kawalan Ina, ikaw ay huwag sanang umiyak