Kodak


Kodak
Tula tungkol sa Isyung Panlipunan ni
Alexandra Ranielle Gallego


Isang araw ako ay pinagbawalan
“Huwag na h’wag kang magpapagabi anak
ang ating krimen sa bansa ay talamak
Paglabas ng madilim huwag ibalak.”

Isang araw, ako’y umalis ng tahanan
Naglakbay, dala-dala ang aking kodak
Ano bang nangyayari sa kadiliman?
Pasensya na ina, ako ay nagbalak

Sa kalsada puno ng katatakutan
Pindot sa kodak, sa bawat tinatahak
Maraming tambay at puno ang lansangan
Sa kalsadang masalimuot nasadlak

Paglalakad itinuloy sa kanluran
Madilim na kalsada akin tinahak
Ako’y nadukot, gusto ng kalayaan
“Para ng awa” napalahaw sa sindak

Ang patayan sa likod ng karimlan
Hindi inakalang pakpak mawawasak
Ngayong ako ay napunta sa kawalan
Ina, ikaw ay huwag sanang umiyak

Comments

Popular posts from this blog